Kris type magkaroon ng sariling network

EXCLUSIVE na na-interview ni Kuya Boy Abunda ang kanyang bestfriend na si Kris Aqui-no sa bago at sariling segment nito sa The Buzz na Big Truth na talaga namang bawat episode ay siguradong aabangan ng televiewers. Ang topic ng nasabing One on One interview ay tungkol sa pag-grant ng annullment ni Kris sa ex na si James Yap. Nilinaw ng Queen of All Media na ang pag-grant ng annullement nito kay James ay hindi cause of joy kundi cause of optimism. Saka 30 years olad lang daw ang dating karelasyong cager at marami pang makikilala, samantang siya raw ay end of the road na.

Nang tanungin naman ni Kuya Boy si Kris kung friends pa rin sila ni James, buong ningning na sinagot nito ang King of Talk nang Oo. At ang maipagmamalaki pa niya ay pareho silang hindi naging greedy ni James. Kung ano raw ang napunta rito ay deserved nito. Pagdating naman sa custody o visiting rights para sa anak nilang si Baby James, say pa ni kris, sa batas kapag below 7 years old ‘yung bata ay mapupunta sa mother ang custody nito. Pero wala raw silang pinagtatalunan ni James sa bagay na ‘yan dahil puwede naman nitong bisitahin at hiramin si Bimby.

Pero siyempre para maging legitimate si Baby James ay kailangan niya itong i-adopt. Kasi hanggang ngayon ay Yap pa rin ang surname ng bata kaya illegitimate siya. Dapat maayos ito para hindi magka-problema sa kanyang inheritance.

Sa tanong kung ready na ba siyang magmahal ulit, well let’s wait and see lang daw lalo pa’t free na nga siya to fall in love. At malay raw natin baka someday ay engage na siya. At sana ang mapangasawa niya ay ‘yung ibibili siya ng sarili niyang network. Well, nagbibiro man o hindi ang Queen of Talk ay malay natin kung mangyari ‘yun, di ba? Bongga!

Anyway, kung si Kris ay gustong magkaroon ng sarili niyang TV network, ang nanay-nanayan naman namin sa showbiz na si Sharon Cuneta ay gustong magpatayo ng mansyon sa Europe. Why not gyud?

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply