Kumakarengkeng na naman si Andi Eigenmann?

ISANG maasim na smirk ang laging reaction ni Rich Asuncion kapag binabanggit sa kanya ang muling pagsali sa isang beauty contest. You see, beauty queen material talaga ang dalaga dahil sa angking ganda nito. Ang kaso, mukhang bwisit na bwisit siya sa prospects ng muling pagpasok niya sa field na ‘to.

Very recently, Rich had an interview with some movie press kaugnay ng isang teleserye where she plays support as a contravida at yun na nga, naungkat ang posibilidad ng muli niyang pagsali sa Miss World ek this year.

Nega siyempre ang kasagutan galing kay Rich at napakarami niyang negative na tinuran kaugnay nito.

Una na nga, ‘yung hindi raw kasama sa mga ambisyon niya ang maging isang beauty queen. Naniniwala raw siyang may ibang destiny siya at hindi nga ito ang mundo ng mga beauty queens. “Simple lang po ang buhay na gusto ko, heto na ngayon, nasa acting world, ayaw ko nang guluhin pa’ng mundo ko.”

Sinabi rin ni Rich na noong sumali siya sa Bb. Pilipins, pinilit lang siya pero tama raw ang desisyon niyang tumigil na. Una, nadala na siya dahil hanggang ngayon, di pa naibibigay yung kanyang premyo sa contest na yun.

In short, malinaw na malinaw, binalasubas raw siya ng Bb. Pilipinas Charities.

Mabait kasi si Rich, tama yung sinabi niya, simple siya at simple lang ang gusto. Sa kasimplehan, lagi na lang siyang nasisimplehan.

Nauunahan kumbaga. Nasa kumplikadong mundo nga siya dahil simple lang siya, mukhang di siya bumabagay sa movie world.

Hindi ba, naisahan siya ni Aljur Abrenica dahil sa kasimplehan niya?
Before she knew it, itinakwil at itinatwa na siya nito.

Kamuntik na rin siyang nasimplehan ni Ervic Vijandre, Pihado kasi, may malaking bagay din silang hindi napagkasunduan kaya nga nawala yung friendship nila. Hula ko dahil simple si Rich at kumplikado si Ervic, hindi nag-workout ang relasyon ayon sa gusto ni Rich.

Heto na, mukhang nasimplehan din siya ng GMA7. Imagine, maganda naman at marunong umakting si Rich, pero ayan, kulelat siya sa GMA. Lagi lang suporta kundi kontrabida’ng roles niya.

Sa kasimplehan ni Rich, hindi na siya umaasang aasenso pa siya bukod sa pagiging kontrabida.

Aba! Kung hindi pa siya aayon sa mundo ng mga kumplikado, isang araw magigising siya, wala naman pala siyang career.

Siya rin, lahat ng nakasabay niya ay nasa glorya na, siya nandiyan pa rin sa purgatoryo.

Bilis, Rich nahuhuli ka nang masyado.

***

May kalandian talaga itong si Andi Eigenmann

HALOS two months pa lang ang isinilang na anak sa pagkadalaga, heto na, may bago ng kulakadidang si Andi Eigenmann. Kunsabagay, di na naman masasabing bago ang boyfriend niyang anak ni dating President Erap dahil kahit na noong buntis na siya sa anak nila ni Albie Casino, sila na rin ng binatang ito.

The real reason kung bakit ayaw tanggapin ni Albie na anak niya yung batang iniluwal ni Andi ay dahil nga kahit nabuntis at kagampan na siya, she still carried an affair with another guy.

Heto na nga ngayon, mukhang dalaga na ulit si Andi at handa nang magbalik bilang talent ng ABS-CBN. Pero ang announcement ay ginawa ni Andi sa pamamagitan ng pagsasabing sila na ulit ng dating presidential son and that they are still dating now at imbes na alagaan ang anak, kesyo sa nanay niyang si Jaclyn Jose nakalagak ang bata. Meaning walang panahon si Andi sa anak at sa halip mas inuuna pa ang pakikipagrelasyon.

Wala namang kadala-dala si Andi na any moment, kapag hindi nag-ingat, siya rin, baka maging dalawa ang anak niya.

Hahaha!

Alangan naman kasing lagi lang silang nagkukwentuhan ni Mr. Ejercito?

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply