‘Kung may gay s’ya, maghahanap din ako ng tomboy!’

MASAYA palang kausap itong si Danita Paner. Kahit puyat ay nagpaunlak ng interview sa amin. Hindi na kailangan sitsitan pa ng kanyang maderakang si Tita Daisy (Romualdez) para lumapit sa amin. Hehehe! Masunuring anak naman daw siya sabi ng nanay.

Anyway, gusto naming tumbukin sana kung gaano katotoo ‘yung mga naririnig naming tsismis tungkol sa kanyang ex-boyfriend na si JC de Vera na umano’y may bilyonaryong benefactor kaya marami itong sasakyang nabibili pero wala raw alam si Danita sa bagay na ito.

Sa loob ng isang taon may tatlong buwan nilang relasyon ni JC ay wala naman daw siyang nakikitang kakaiba sa kilos nito o mga bagay na magsasabing meron itong baklitang kulakudidang (‘Yung mga sasakyan kaya, hulugan lang siguro?). Pero may biro siyang sinabi,

“Kung meron siyang gay, maghahanap din ako ng tomboy! Hahahaha!” sabi nitong napahalakhak talaga ng todo.

Sa kabilang banda, kahit nasaktan siya sa paghihiwalay nila ni JC, naging paraan naman niya ito para mas lalo pang i-focus ang kanyang sarili sa pagtatrabaho. Good for her dahil nagkaroon siya ng another serye sa TV5 na ipalalabas sa February 27 sa afternoon slot, ito ‘yung “Isang Dakot Na Luha” kung saan makakasama niya sina Glydel Mercado at Jay Manalo bilang mga magulang niya, Edgar Allan Guzman, Alice Dixson at marami pang iba, sa direksyon ni Eric Quizon.

Anim na buwan daw itong tatakbo (two seasons) sa ere, ibig sabihin, six months din daw siyang magpapatulo ng luha. Matinding drama raw kasi ang mangyayari sa seryeng ito at kailangan galingan niya ang pag-emote. Kaya gagamitin daw niya ang maging paghihiwalay nila ng gwapong aktor para bumulwak ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Hahaha! Ganun?

Mabuti naman at binigyan ng panibagong project ng Kapatid network ang dalagang ito ni Tita Daisy. Hindi naman nila pinababayaan dahil ito ang talent nila na nagbigay sa kanila ng palabas na nag-rate, ang My Driver Sweet Lover. Huwag lang kina Alex Gonzaga at Jasmine Curtis nakatutok ang kanilang atensyon dahil flopsina naman ang beauty ng mga ito. Ang tunay na sikat ay ang kanilang mga kapatid na sina Toni Gonzaga at Anne Curtis, hindi sila. Kuha nyo?

‘Yun lang!

***

Tina Monzon-Palma tagapagtanggol ng mga anak sa labas

MAHIGIT 600,000 ang bilang ng mga anak sa labas sa Pilipinas at marami sa kanila ay hindi alam ang kanilang mga karapatan.

Bibigyang-pansin ng respetadong mamahayag na si Tina Monzon-Palma ang isyung ito bilang bahagi ng kanyang laban para protektahan ang mga batang inaabuso at sinasaktan, bukas (Huwebes, Feb 9) sa “Krusada.”

Ramdam ni Tina ang hirap na dinaranas ng mga anak sa labas. “Masakit at mahirap para sa isang bata na malaman na siya ay isang anak sa labas. Isama mo pa ang iba’t ibang panghuhusga na kanilang kinakaharap at ang malungkot na katotohanan na sila ay mula sa pangalawang pamilya lang,” ayon sa kanya.

Ipapaliwanag ni Tina kung ano at hanggang saan ang kanilang karapatan pati na rin kung paano ito maipaglalaban. Bukod pa riyan, ibabahagi rin niya ang kwento ng dalawang ina na pilit ipinaglalaban ang tamang sustento at mana ng anak mula sa kanilang ama.

Saksihan ang istorya ni Marlene na taong 1995 pa nagsimulang ipaglaban ang kaso upang kilalanin at suportahan si Timmy ng kanyang ama, at si Othella na sisimulan pa lang ang laban sa naiwang mana mula sa ama ng kanyang pitong anak.

Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, makinig, makiisa at makisama sa kampanya ni Tina para sa mga bata bukas  sa “Krusada,” pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply