Labi ng OFW na palutang-lutang sa dagat sa HK iuuwi na

INIHAHANDA na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga kaukulang hakbang para sa pagpapabalik sa bansa ng bangkay ng Pinay domestic helper na natagpuan sa isang baybayin sa Hong Kong.

Ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dimzon, ipino-proseso na nila ang dokumento upang mapabalik sa bansa ang bangkay ni Rowena Gloria Gomez, 24, ng Antipolo, Rizal matapos matagpuan ang kanyang bangkay sa baybaying dagat malapit sa bahay ng kanyang amo sa Shau Kei Wan nitong Pebrero 5.

Aminado si Dimzon na hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakatatanggap ng ulat kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni Gomez dahil wala pa aniyang inilalabas na opisyal na report ang Hong Kong police na nag-imbestiga sa kaso.

Posible aniyang abutin pa ng ilang buwan bago mailabas ang resulta ng awtopsiya sa bangkay ng Gomez bagamat handa na rin aniya nilang ipagkaloob ang kaukulang benepisyo na tatanggapin ng kanyang pamilya.

Batay sa panuntunan, bilang miyembro ng OWWA ay tatanggap si Gomez ng P200,000 bilang death benefit at P20,000 bilang tulong sa kanyang pagpapalibing.

Sinabi ni Dimzon na may karapatan din ang pamilya ni Gomez na mag-apply sa kanilang programang pagbibigay ng livelihood assistance  tulad ng ipinagkakaloob nila sa iba pang miyembro ng OWWA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply