Lacson kumasa sa hamon ng abogado ni FG

KINASAHAN ni Senador Panfilo Lacson ang hamon ng abogado ng magkapatid na dating FG Mike Arroyo at Rep. Iggy Arroyo na si Atty. Ferdinand Topacio.

Ang hamon ni Topacio ay patunayan ni Lacson ang sinasabing secret bank account ang kanyang kliyente na si dating Unang Ginoo at kapatid na namayapa upang mai-donate.

Ani Topacio, dapat ang makinabang sa perang sinasabi ni Lacson ay ang pamilya ng mga umano ay ni-rubout na miyembro ng Kuratong Baleleng Gang kung saan isinangkot si Lacson.

Ayon naman kay Lacson, ang dapat ay pumirma muna ng waiver si Topacio at kapag nagawa nito ay ibibigay niya ang account numbers, pangalan ng mga bangko at account names.

Dahil dito, hinamon din ni Lacson ang abogado sa pagsasabing kapag kanya nang nailabas ang pera na nagkakahalaga ng P2 bilyon na nakadeposito sa lokal na bangko ay ito na ang mag-donate.

Nauna rito, ibinunyag ng senador na hanggang sa kasalukuyan ay aktibo ang dalawang accounts ng magkapatid na Arroyo dahil nagpapatuloy ang mga transaksyon o labas-pasok ng pera.

Nilinaw din ni Lacson na iba pa ang account sa Jose Pidal account na inako ng namayapa nang si Rep. Iggy Arroyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply