Laganap na nakawan, baho ng congressmen at sakuna

BIGYAN naman po natin ng pagkakataon ang ating mga mambabasa na maihayag nila ang kanilang mga kalagayan, kaisipan at paninindigan at iba pa.

ANG KAHIRAPAN

Sir Benny, kayo lang yata ang nakaiisip ng ukol sa kahirapan. Almusal ko ang pagbabasa ng back page ng remate. Para kasi akong may kakampi sa araw-araw na pakikipagsapalaran sa buhay. Dasal po lagi ang sandata para makaraos. Thanks po. +63932846….

PAMIMIRATA AT SI LLAMAS

Good pm po, Mr. Benny Antiporda. Kung minsan,  nakabibili po ako ng telenovela na Korean. Suggestion ko lang po para maiwasag bumili, dapat kahit saang lugar ay kumpiskahin ang mga pinirata na disc at hulihin ang lahat ng mastermind na pinanggagalingan nito. Mali nga po si Sec. Llamas dahil kaya naman niyang bumili ng orig na disc. Salamat po at God bless. +63922831….

P47 SA DIESEL, P57 SA GAS

Good morning, sir. Nais ko  lang sanang maiparating sa ating Pangulong Noy na dagdagan ang pensyon ng mga pensioner dahil sa napakamahal nang bilihin at ako pa ang nagpapaaral ng aking apo. I wish you good luck. +63948553….

TULONG ANG KAILANGAN

Hi, good pm po, sir. Ako’y nagbabasa ng Remate  news. Ako po si Vicky Traya, taga-Negros Oriental. Vallehermos yung pamilya kong nandoon sa Negros pero nandito ako sa Maynila sa Delgado, Quezon City. Bago lang po ako rito, wala pang isang buwan. Dinala po ako sa mommy ng amo ko galing Cebu. Hiniram lang po ako, sir.  Nalulungkot po ako ngayon kasi walang kuryente sa amin. Hindi ko makontak ang mama ko. Nag-aalala na po ako rito kasi may anak po akong dalawa. Gusto ko sanang umuwi pero wala pa po akong pera. Hindi po ako makatulog sa kaiisip sa mga anak ko, kung ano na ang nangyayari sa kanila. Sana po matulungan ng Pangulo natin ang lugar namin dahil wala nang tubig at kuryente, sira pa ang kalsada namin. +63922952….

NAPUNDI NA SA PETROLYO

Tuluyan na nga talagang napundi ang masa sa walang patumangga at walang tigil na sobrang pagtataas ng presyo ng langis, LPG at kuryente…..Hekhekhek. +63916664….

MGA TULAK SA TAGUIG KINILALA

Sir, good pm! Sasabihin ko lang yung mga tulak ng shabu dito sa amin sa Signal Village, Taguig City. Si Charlie  alyas ‘Pugak’ at Butchoy. Sila po yung mga dakilang pusher sa Signal Village. Marami na pong kabataan ang nagiging adik dito sa amin. Minsan nagiging dahilan pa ng holdapan sa gabi. Tulong naman po. Thanks, Godbless. More power!

SAHOD NG MGA KASAMBAHAY

Good pm, Sir Benny. Please, pakiaksyunan naman nila ang sahod ng mga kasambahay  na all around. Mababa yung sahod, halos 3 years na akong kasambahay, may 3 anak na nag-aaral. Ang isa’y nahinto dahil wala na akong panggastos.  Dati nabalitaan ko na naaprubahan na ng gobyerno ang pinakamababang sahod na P4 thousand o P5,000. Ngayon may P2,500 pa rin at P3,000. Halos hindi na makakain ang mga anak ko. Wala na ngang makain, makapag-aral pa kaya? Maraming salamat po,  Sir Benny at sa Remate. +63907467….

MAGKAIBANG BILANG NG PATAY

Sa balita rito sa Camarines Norte, may dalawang minerong namatay sa butas. Pero sa mga kuwento ng mga me butas din sa lugar, mga 30 pa ang nawawala. Alam ito ng aming gobernador na si Tallado pero ‘di mapasara dahil mataas ang grade ng ginto. Maawa naman kayo gob sa mga pamilyang nawalan ng ama. Patuloy pa rin kasi ang pagbutas nila ng mga balon dito. Kahit taga-DENR nagsasabi na yun ang bilang. Salamat Ultimatum. GEMINIE +63910846….

NEGOSYO SIRA SA BUSINESS PERMIT

Totoo po na matumal na ang kahit anong negosyo lalo na rito sa Quezon City. Tapos walang humpay pa ang pagtaas ng Business Permit. Sana naman ay tingnan din ng local government ang kalagayan naming mga negosyante. Maraming salamat po. +63939936….

MAG-INGAT SA SAKIT

Good day po! Maraming Filipino ang namamatay sa sakit na hepatitis at TB every year. Ang mga sakit na yun ang nangungunang dahilan ng kamatayan ng maraming Filipino. Malungkot kasing isipin na hindi alam ng karamihan kung paano nakahahawa ang mga sakit na yun at ano ang mga sakit na yun. +63912774….

TAMBAK NA BASURA

Gusto ko lang kasi sanang ireklamo ang tambak na basura rito sa Bacolod City sa unahan po ng iskwelahan. Matagal na po yung basurang umaalingasaw. Salamat po.  +63947869….

NAKAWAN SA PARAÑAQUE

Magandang umaga sa inyo. Dito po sa amin sa Valley 2, Parañaque City, laganap ang nakawan. ‘Di mahuli-huli ng mga barangay police. May reklamo naman po ako, sir, kay Rey Briones. Ang bagal mag-proces ng SSS I.D ang taga-SSS. 9  months nang mag-file ako ng SSS I.D. Hanggang ngayon, pumuti na ang buhok ko sa katitinda sa bangketa, wala pa rin.  Salamat po. ERIC  BONA, ng Valenzuela City. +63921384….

TAGAHANGA NI PACQUIAO

Sir,  good morning po. Doon sa nagsasabi na walang pinag-aralan ang mga anti-Pacquiao, baka siya ang walang utak. ‘Di niya makita na laos na si Pacbang means Pacman. Super yabang, ayaw niya namang lumaban kay Mayweather dahil matatalo siya pag nangyari iyon. Wala siyang mukhang maihaharap sa tao. ‘Yun lang. +63946148….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply