Lalaki patay sa landslides sa Ilocos Sur

ISANG 40-anyos na lalaki ang nasawi sa landslide sa Ilocos Sur habang isa ang nawawala sa Pampanga bunsod ng pagbaha at landslides dulot ng low-pressure area at the tail-end ng cold front ngayong linggo.

Base sa 7 a.m. Saturday update ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakilala ang nasawi na si Gerito “Jerry” Leal, ng Brgy. Lacong, Tagudin, Ilocos Sur makaraang tumama ang landslide sa naturang lugar.

Habang nawawala pa rin si Eleazar Valiaron ng Angeles City, Pampanga ngunit hindi pa nagbibigay ng kabuuang detalye ang NDRRMC hinggil sa nasabing ulat.

Tinatayang 6,000 pamilya ang apektado sa naturang pag-ulan o kabuuang 29,589 katao ang sa 96 barangay sa may 11 na bayan sa apat na lalawigan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply