Landslide area sa Negros Oriental ginawang libingan

GINAWA nang libingan ang landslide area na sinalanta ng magnitude 6.9 na lindol sa Negros Oriental.

Nag-alay muna ng misa para sa 61 namatay na biktima na nalibing sa Barangay Planas, Guihulngan na hindi na nakita matapos gumuho ang lupa sa noong Pebrero 6, 2012.

Ayon kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo, bukod sa Barangay Planas, inihinto na rin ang retrieval operations sa ilan pang landslide areas tulad ng Barangay Solonggon, La Libertad at ginawa na lang itong mass grave.

Giit ni Degamo, delikado na para sa mga rescuer na ipagpatuloy ang retrieval operation dahil sa mga nararanasang pag-ulan.

Batay sa huling talaan ng NDRRMC, umabot sa 50 ang namatay sa nasabing lindol habang 66 pa ang patuloy na nawawala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply