Lapid umeksena sa impeachment trial

KUWESTYUNABLE kay Sen. Lito Lapid ang masyadong matagal na pagtatalo sa testimonya ng isang kinatawan ng Securities and Exchange Commission (SEC) hinggil sa P11 milyon inutang ni Chief Justice Renato Corona sa kompanya ng kabiyak na si Cristina.

Sa pagpapatuloy ng impeachment trial, biglang umeksena si Lapid sa kasasagan ng pagtatanong kay Benito Cataran ng SEC hinggil sa Basa-Guidote Enterprises na pinagkunan ng P11 milyon cash advance na nakalagay sa SALN ni Corona.

“May nakalagay sa SALN na may na-advance siya ng P11 milyon. Ano po ba ang pagkakaiba ng cash advance sa pagkakautang,” ayon kay Lapid.

Nagtanong naman si Enrile kung kanino pinatutungkulan ni Lapid ang kanyang tanong na tinugon ng mambabatas para sa prosecution.

“Sino tinatanong mo?” ayon kay Enrile.

“Hindi po walang kinalaman po dito ang testigo.. proseuciton po,” giit ni Lapid.

Ikinatuwiran naman ni Occidental Mindoro Rep. Reynalvo B. Umali na hinuhukay ng prosekusyon kung paano nakautang si Corona ng P11 milyon sa naturang kompanya sa kabila nang matagal na itong walang lisensiya.

“Yun nga po yung inaalam namin yung cash advance hindi po namin maintindihan dahil wala naman, hindi naman po share holder si CJ Corona maging si Cristina Corona pero nagka-cash advance po sila dito. Yun po ang di naming maintindihan kaya nga ito’y nakalagay at pine-presenta namin at nililinaw po namin ngayon,” ayon kay Umali.

“Di na siguro mahalaga kung nagsara na yung kompanya or hindi.. nangutang ba,? Tanong naman ni Lapid.

Ayon kay Umali, pangkaraniwan na sa mga kompanya na kailangan may inaprubahang resolusyon ang board of director ng kompanya bago mapag-utang sa sinuiman.

“Kasi po sa corporation, dapat po merong board approval, merong prosesong dinadaanan po ito. Dapat po may board resolution, pero wala po lahat ito. Dahil, sabi nga po ng SEC itong lisensiyang ito ay revoked na at di po nagko-comply ito magmula pa noong 1991 hanggang sa kasalukuyan,”  paliwanag ni Umali kay Lapid.

“Ibig nyong sabihin, magmula kanina, tanong kayo nang tanong, ilang oras na tayo dito, gusto n’yo lang palabasin yung P11 milyon utang? Or inadvance or ni-loan? giit ni Lapid.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply