Laplapan kung laplapan ang drama!

MATAGAL-TAGAL na rin naming hindi nakakakuwentuhan si Angelika dela Cruz magmula noong naging Kapuso star na ito from Kapamilya. Ngayo’y may businessman-husband na ito at may isa na silang anak.

Sa kanilang batch (Claudine Barretto, Judy Ann Santos at Jolina Magdangal), si Jolens lamang ang pinakahuling nakapag-asawa sa isa ring non-showbiz guy. Ginanap ang kasalan months ago at dinaluhan ito ng barkadahan. Isang pagkakataon din para magkausa-usap ang mga mag-bf, gaya nina Angelika at Claudine.

Nabanggit ni Angelika na nagkaroon sila ng usap-usap especially with Claud na ang huli nilang pinagsamahang serye ay sa ABS pa via “Ikaw ang Lahat Sa Akin” with John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at Diether Ocampo.

Sa preskon ng “Biritera” where Angelika plays mabait na role, kinumusta namin ang old time friend nitong napag-uusapan before sa mga negative issues.

Hindi naman daw sorpresa ang pagkikitang yon dahil, “We keep in touch, saka nag-guest naman ako sa show niya na Claudine. Sa phone, lagi kaming nagkukumustahan.” aniya.

Tungkol sa issues on Claudine, kung intact pa ba sila ni Raymart Santiago or kung totoo ang pagkakaroon ng “attitude problem ” ng kaibigan dahilan para mawala ito sa sirkulasyon. “Hindi kasi ako nangingialam. Mahirap yon e,” sey ni Angelika.

Tuloy, sa kaniyang role as Remy, mabait at mapagmahal na ina ni Roseanne Magan, ang latest child discovery ng GMA 7, naaliw kami sa sagot nito na naninibago siya sa pagiging mabait at nalalayo sa dating kontrabida roles na nakatatak na sa kanya bilang performer.

“Oo nga, nahihirapan ako sa role ko (as mabait),” sabay tawa ng ak- tres.

Minsan daw ay nakausap niya sa elevator ang direktor niyang si Maryo J. sa Biritera, Ikaw direk, ginawa mo akong mabait. Imbes tuloy na hindi ako umaarte, nag-i-effort tuloy ako,” tuloy-tuloy niyang kuwento.

Angelika admits na nakasanayan na niyang magmaldita, ilang beses na kasi siyang gumanap ng ganito, lalo na sa Dwarfina na over-maldita ang kanyang role.

“Mas nahihirapan talaga akong maging mabait,” ulit niya.

Sa February 6 na ang Biritera kapalit ng mawawalang Munting Heredera muli sa GMA7.

—-@@@—-

NAALIW kami sa panonood ng indie film na “Bola” ng R and B Entertainment at Amazing Production sa UP Film Institute Cine Adarna kamakailan lamang. Simpleng istorya tungkol sa gay corruptions sa mga basketbolista, kaya’t angkop ang titulo nito sa mga bading na kesyo mahilig manood ng basketball pero ang tunay na target ay mga manlalaro. Kaya’t habang pinanonood mo ay damang-dama mo ang kanaturalan ng mga karakter na ipinakikita led by Kenneth Salva, dating runner-up sa Mossimo Bikini 2009 na ngayo’y nag-aartista na’t isa nang part-time model.

Ang kasama ni Kenneth sa indie film na ito ay sina Jacob Miller na isa ring “parausan” ng mga bading sa istorya with Sofia Valdez as the love interest ni Kenneth and of course, ang corruptor (with good intentions na makatulong sa buhay ni Kenneth) na si Arnell Ignacio.

Walang halong pretensiyon ang pagmamahal ni Arnel kay Kenneth at laplapan con laplapan ang mga eksena rito na tiyak na kaiinggitan ng kapuwa gays.

May natatanging partisipasyon din si Simon Ibarra na bagamat barakong-barako sa mga teleseryeng ginagampanan niya pero dito sa Bola ay isang bading na kabarkada ni Arnel ang kinaya nitong gampanan.

Sey nga ni Simon sa amin bago mag-umpisa ang iskrining, “Para sa akin, challenging ang gumanap ng papel ng isang bading, mas dapat maibigay mo ‘yung karakter na hinihingi sa istorya,” ani Simon.

Ipalalabas ang ‘Bola’ sa mga piling-piling sinehan na tiyak naming magugustuhan ninyo ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply