Lazarte ban for life sa IBF boxing

IPINAG-UTOS ng International Boxing Federation (IBF) na i-ban o pagbawalan na si Luis Lazarte na lumaban sa alinmang IBF events dulot ng naging asal nito sa laban kay Pinoy fighter Johnriel Casimero nitong  Sabado sa Mar De Plata, Argentina.

Sa isang liham, ipinaalam ni IBF President Daryl Peoples kay Argentina Boxing Federation President Osvaldo Bisbal na hindi na maaaring magpartisipa si Lazarte sa anumang isusulong nilang boxing event.

“With that being said, I take this opportunity to address you in regards to the deplorable acts of violence that transpired after the Lazarte-Casimero bout. This type of violence has no place in a boxing match, or any sporting event for that matter, as it completely goes against the grain of what competition is about,” saad ni Peoples sa kanyang liham kay Bisbal.

“Furthermore, I would like to know what steps have been taken with the local police department to bring those individuals that entered the ring and assaulted Mr. Casimero and his camp to justice. There are a number of individuals that can likely be identified in the video recording of the fight and who should be investigated through the proper legal channels. I expect that you will do what
you can to further inform me on this matter.”

Ayon sa ulat, sa round six ng bout ay pinagbantaan pa ni Lazarte si referee Eddie Claudio matapos itong bawasan ng puntos dulot ng pandaraya at paggawa ng low
blow.

Tinanong pa raw ni Lazarte ang reperi na, “Do you want to get out of here alive?”

Hindi lang daw pumalag ito at tinapos ang laban dahil hindi na sumusuntok si Lazarte.

Matapos ang laban na iyon, ang mga fans ni Lazarte ay sinugod si Claudio gayundin ang kalaban nito na si Casimero at ang buong team na nasa ring.

Ngunit pagkatapos naman ng laban ay inanunsiyo ni Lazarte na tuluyan na siyang magreretiro.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply