Leakage ng bank accounts ni Corona paiimbestigahan ng BSP

NAIS ni Senate President Juan Ponce-Enrile na imbestigahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang “leakage” sa bank accounts ni Chief Justice Renato Corona.

Ito ay makaang sabihin ni PS Bank Pres. Pascual Garcia na hindi galing sa kanila partikular sa Katipunan branch sa Quezon City ang nag-leak na bank records ni Corona.

Ani Garcia, magkakaiba ang lumabas na dokumento sa orihinal na kopya kumpara sa leakage na iniabot ng sinasabing “small lady” sa prosekusyon.

Ang naturang “small lady” ay nakita mula sa video ng CCTV camera sa Senado kung saan isang maliit na babae ang nag-abot ng envelope sa isang miyembro ng prosekusyon noong nakaraang Huwebes na naglalaman ng bank records ng punong mahistrado.

Ayon kay Garcia, magkaiba ang kopya ng orihinal na dokumento sa bank documents na ipinakita sa kanya habang nasa witness stand ng impeachment court.

Nauna nang inamin ni Rep. Reynaldo Umali, ang nasabing dokumento ng PSBank na may bank records ng punong mahistrado ay galing sa maliit na babaeng hindi nito kilala.

Sinabi naman ni Enrile na imposible namang galing sa “heaven” ang nasabing dokumento kung hindi mismo galing sa PSBank partikular sa Katipunan branch kung saan may account ang punong mahistrado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply