Leaked documents at signature cards ni Corona magkaiba – Garcia

ISA-ISANG idinetalye ni PSBank president Pascual Garcia ang pagkakaiba sa nag-leak na dokumento at signature cards ni CJ Renato  Corona hinggil sa kanyang bank account sa ika-20 araw na pagdinig ng impeachment case laban sa punong mahistrado.

Ani Garcia, napakaraming pagkakaiba ng original bank record ni Corona, kumpara sa photo copied documents na hawak ng prosekusyon.

Umaabot naman sa 42 punto ang pagkakaiba na inihayag ni Garcia.

Maalalang unang sinabi nina Garcia at PSBank branch manager Anabelle Tiongson na peke ang kopyang nasa prosecution panel at hindi nagmula sa kanila.

Gayunman, naniwala naman si Senator-Judge Franklin Drilon na halos pareho lamang ang naturang mga kopya ng bank records.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply