Libong pasahero istranded na – MMDA

UMAGA pa lamang ay may mga pasahero nang naistranded dahil sa kakapusan ng mga bumibiyaheng bus hinggil na rin sa gaganaping bible exposition ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand sa Maynila mamayang alas-5 ng hapon.

Nabatid na ngayong hapon ay libong pasahero na ang walang masakyan sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, C3, Dagat-Dagatan sa Malabon, Monumento sa Caloocan City, Boni Avenue sa Mandaluyong City, Buendia Avenue at Ayala Avenue sa Makati City.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA), kahit naglabas pa sila ng mga bus na libreng sakyan ng mga commuter ay kapos pa rin matapos aminin ni chairman Atty. Francis Tolentino na maraming unit ng bus ang nakaantabay ngayon para sa mga miyembro lamang ng INC.

Nabatid na 49 unit na bus sa Metro Manila ang binigyan ng special permits ng LTFRB para maarkila ng  INC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply