Libong upuan nagawa sa nakumpiskang troso

NAKAGAWA na ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng may 22,000 upuan para sa mga paaralan mula sa mga nakumpiskang troso.

Mismong ang grupo ng mga manggagawa na sinanay ng TESDA para sa PNoy Bayanihan project ang nagkumpuni.

Ang proyekto na pinasimulan noong nakaraang taon ay naglalayong gawing upuan ang mga nakumpiskang troso upang matugunan ang kakulangan nito sa mga pampublikong paaralan.

Katuwang ng TESDA ang Department of Education (DepEd), Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa proyekto para sa produksyon ng armchairs.

Tinatarget ng TESDA na makalikha ng 50,000 armchairs para solusyunan ang kakulangan nito sa rehiyon ng CARAGA kung saan mahigit na pitong milyong board feet ng mga troso ang nakumpiska.

Kung darating sa takdang oras ang mga troso at iba pang materyales mula sa DENR, umaasa si TESDA Director General Joel Villanueva na tuluyan nang matutugunan ang lahat ng kakulangan sa upuan sa mga pampublikong paaralan sa rehiyon.

Base sa pinakahuling datos ng TESDA sa unang linggo ng Pebrero ng taong kasalukuyan, tinatayang 21,634 armchairs na ang ginagawa o naihanda ng ahensiya para pakinabangan ng mga estudyante.

Sa nasabing numero, 8,270 ang ganap ng nagawa; 3,873 ang nasa kategoryang “complete knockdown chairs” o yung nagawa na ngunit wala pang varnish; at 9, 527 naman ang naihanda na ang mga bahagi ng upuan para ma-assemble.

May kabuuang 6, 896 upuan na ang naipamahagi sa iba’t ibang eskuwelahan.

May 500 armchairs naman ang naibigay na sa Ramon Magsaysay High School sa Cubao, Quezon City nitong nakalipas na Agosto at 6,396 naman ang napunta sa mga eskuwelahan sa CARAGA Region, 1,900 armchairs sa Butuan Central Elementary School at 2,000 sa Agusan National High School, 800 sa Butuan City School of Arts and Trades, 300 sa Agusan del Sur NHS, 186 sa Libertad CES, 450 sa La Trinidad ES, 260 sa Villa Kananga ES, 350 sa San Vicente ES, 50 sa Kinamlutan IS  at 100 sa Ong Yu ES.

Umaabot sa P580 ang badyet para magawa ang isang upuan, kabilang dito ang gastos sa varnish at delivery na mas mababa ng 40  porsiyento kumpara sa mga upuang nabibili sa merkado.

Umaasa si Villanueva na magagawa rin sa lalong madaling panahon ang nalalabing 18,000 upuan sakaling dumating na ang mga materyales mula sa DENR.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply