Libreng pasyalan sa Araw ng mga Puso

UPANG hindi gaanong mamroblema sa pananalapi ang sino mang magkasintahan o pamilyang Pinoy na magdiriwang ng Araw ng mga Puso bukas, Pebrero 14 ay may nakalaang libreng pasyalan na pwede nilang puntahan at pasyalan.

Inaanyayahan ng pamunuan ng National Parks Development Committee (NPDC) ang lovers at pamilyang Pilipino na ipagdiwang ang Valentine’s Day sa Rizal Park at makinig sa isang konsiyerto na may temang “Love Concert” na magsisimula n 7:30 ng gabi sa harapan ng Rizal Park Musical Dancing Fountain sa Central Lagoon.

Ayon kay NPDC Executive Director Juliet Villegas, bukod sa love concert, mamimigay din ang NPDC ng Uni-Silver TIME watches, Uni-Silver TIME special edition mugs, at Eco-Bags naman mula sa Mario D’ boro sa pamamagitan ng iba’t ibang games na inihanda para sa couples o lovers.

Magkakaroon din ng dalawang photo booth sa parke kung saan maaaring makapagpakuha ng kanilang souvenir photos ang bawat isa.

Ayon pa kay Villegas, ang NPDC ay patuloy  na magsasagawa ng iba’t ibang uri aktibidad sa parke para sa publiko kasabay ng tuloy-tuloy na pagsasaayos at pagpapaganda ng pambansang pasyalan ng mga Pilipino – ang Rizal Park.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply