Libu-libong pasahero na-stranded sa INC rally

NASTRANDED ang libu-libong pasahero sa Metro Manila dahil sa isasagawang bible exposition ng maimpluwensyang religious group na Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand sa Maynila ngayong hapon, Pebrero 28.

Dahil sa inarkila ang mga bus upang ihatid ang mga dadalo sa naturang Gawain, nagkulang ang mga bus dahilan upang mastranded ang mga pasahero sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, C3, Dagat-Dagatan sa Malabon, Monumento sa Caloocan City, Boni Avenue sa Mandaluyong City, Buendia Avenue at Ayala Avenue sa Makati City.

Ayon kay Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Atty. Francis Tolentino, inarkila ng mga miyembro ng INC ang mga bus sa na bumibiyahe sa Kamaynilaan upang ihatid sila sa INC kaya nagkakaubusan na ng masasakyan ang mga pasahero.

Dahil dito, nagbigay ng libreng-sakay ang MMDA at Quezon City government para sa mga pasaherong na-stranded.

Ipinatupad ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang “Oplan Libreng Sakay” kung saan apat na sasakyan kabilang ang dalawang bus ang ipinakalat na sa Commonwealth Avenue at handa pang magdagdag kung kinakailangan.

Nabatid na nagbigay ng special permit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa may 550 bus para makapasok sa Metro Manila na siya namang sasakyan ng mga miyembro ng INC.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply