Life sentence sa lalabag sa building Code – Chiz

INIHAIN ni Sen. Francis “Chiz” Escudero na patawan ng parusang habambuhay na pagkakakulong ang sinumang lalabag sa structural protocol na nakatala sa National Building Code upang matiyak na ligtas ang lahat ng gusali at istruktura sa buong bansa.

“Dapat mahigpit na ipatupad ang structural protocol sa lahat ng stakeholders at awtoridad na lumalabag sa pagpapatupad nito na parurusahan ng habambuhay ng pagkakakulong,” ayon kay Escudero sa inihain na Senate Bill No. 2843.

Ayon kay Escudero, chairman ng Senate committee on environment and natural resources, marami nang napagdaanan na malaking kalamidad ang bansa at hindi naman tumutugon ang istruktura konstruksiyon nang husto sa natural impact nito.

Alinsunod sa panukala, inaatasan ng SBN 2843 ang Department of Interior and Local Government, ang Department of Public Works and Highways, at National National Disaster Risk Reduction Management Council na makipagtulungan sa local na pamahalaan upang magsagawa at magsulong ng kumprehensibong pagsusuri sa lahat ng gusali sa buong bansa bago makapagpalabas ng Certificate of Inspection and Clearance ang mga building officials alinsunod sa itinakda ng  Presidential Decree 1096 o ang National Building Code of the Philippines.

Dismayado si Escudero sa impormasyon na maraming building permit na ipinalalabas na kuwestiyonable. “These fraudulent issuances have allowed faulty building constructions to the detriment of its occupants and those beside and around it.”

Sakaling maisabatas, nahaharap ang sinumang building officials na nandaya sa pagpapalabas permiso, clearance at certification ng parusang habambuhay, absolute disqualification na makapagttrabaho sa pamahalaan at permanenteng pagbawi sa lisensiya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply