Life sentence vs Hazing, iginiit ni Sotto

NAKATAKDANG amyendahan ang Anti-Hazing Act dahil nabigo ang batas na mapigilan ang paglaganap ng karahasan sa fraternity na poinakahuling biktima ang isang law student ng San Beda College kamakailan.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, kailangan amendahan ang naturang batas upang gawing habambuhay ang parusa sa sinumang mapatutunayang sangkot sa hazing na ikinamatay ng biktima.

“Kailangan amendahan ang batas dahil 17 taong pagkakakulong ang parusa na gagawin natin na life sentence,” ayon kay Sotto.

Ikinatuwiran ni Sotto na hindi sapat ang naturang batas upang masugpo ang mga pambubugbog at kamatayan sa hazing sa unibersidad at kolehiyo.

Ang pinakahuling biktima ng hazing ay ang 25-taong gulang na San Beda freshman law student Marvin Legros na namatay matapos sumalang sa initiation sa isang resort sa Antipolo City.

Sa panukala ni Sotto, awtomatikong papatawan ng life imprisonment ang sinumang fraternity o sorority officers at members na nagpartisipa sa pananakit at iba pang uri paraaa ng initiation.

Sa kasalukuyang batas, ang parusa ay “graduated level” lamang depende kung ano ang nangyari sa biktima.

Sa panukala ni Sotto, life imprisonment ang haharapin nila kung ang biktima ay namatay, ginahasa o nagkaroon ng sodomy o mutilation sa hazing. Kulong naman ng mula 17 hanggang 20 taon kapag ang biktima ay nasiraan ng bait, naging baog o bulag.  Ernie Reyes

Life sentence vs hazing iginiit ni Sotto

NAKATAKDANG amyendahan ang Anti-Hazing Act dahil nabigo ang batas na mapigilan ang paglaganap ng karahasan sa fraternity na pinakahuling biktima ay isang law student ng San Beda College kamakailan.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto III, kailangan amyendahan ang naturang batas upang gawing habambuhay ang parusa sa sinumang mapatutunayang sangkot sa hazing na ikinamatay ng biktima.

“Kailangan amyendahan ang batas dahil 17 taong pagkakakulong ang parusa na gagawin natin na life sentence,” ayon kay Sotto.

Ikinatuwiran ni Sotto na hindi sapat ang naturang batas upang masugpo ang mga pambubugbog at kamatayan sa hazing sa unibersidad at kolehiyo.

Si Marvin Reglos, 25-anyos, isang San Beda freshman law student ang pinakahuling biktima ng hazing ay namatay matapos sumalang sa initiation sa isang resort sa Antipolo City.

Sa panukala ni Sotto, awtomatikong papatawan ng life imprisonment ang sinumang fraternity o sorority officers at members na nagpartisipa sa pananakit at iba pang uri paraaan ng initiation.

Sa kasalukuyang batas, ang parusa ay “graduated level” lamang depende kung ano ang nangyari sa biktima.

Sa panukala ni Sotto, life imprisonment ang haharapin nila kung ang biktima ay namatay, ginahasa o nagkaroon ng sodomy o mutilation sa hazing.

Kulong naman ng mula 17 hanggang 20 taon kapag ang biktima ay nasiraan ng bait, naging baog o bulag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply