Lifestyle check sa mga taga-BOC ihinirit

KINALAMPAG ni Cagayan Rep. Jack Enrile si Pangulong Bengino Aquino III upang ipag-utos nito na isailalim sa lifestyle check ang lahat ng mga kawani at opisyal ng Bureau of Customs.

Iginiit ito ngayon ni Enrile kasunod ng pagkakalantad sa kwestyunableng yaman ng Customs Clerk na si Paulino Elevado na nagmamaneho ng kotseng Porche matapos mamaril ng kapwa motorista dahil sa isang pakikipagtalo sa trapiko.

Ayon sa kongresista, matagal ng alam ng publiko na talamak ang katiwalian sa BOC at aniya’y panahon na upang linisin ang naturang kagawaran.

Iminungkahi ni Enrile na unahing isailalim sa lifestyle check ang lahat ng senior officials ng BOC para ipakitang walang sinisino ang proseso.

Hindi aniya sapat na si Elevado lamang ang iimbestigahan dahil ang kaso nito ay sintomas lamang ng kabulukan ng BOC.

Sa mahabang panahon, hindi na aniya nalinis ang ahensyang nabanggit kahit maraming administrasyon na ang lumipas at ilang commissioner na ang nagrenda sa pamunuan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply