Lin kumamada sa Knicks

MULING nagpakitang gilas si Jeremy Lin upang itaguyod ang New York Knicks laban sa Washington Wizards, 107-93, sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association (NBA) regular season kaninang umaga.

Ibinandera ni Lin ang kanyang 25 puntos at career-high 10 assists at apat na rebounds upang ilista ang ikatlong sunod na panalo ng Knicks at gumanda ng bahagya ang kanilang team standing na 11-15 win-loss slate.

Tatlong gabi na ring ipinakikita ni Lin ang kanyang tikas sa pagpasa ng bola at shooting kung saan ay una itong umiskor ng 25 laban sa New Jersey Nets at 28 sa kontra Utah Jazz.

Sa second canto na-outscore ng Knicks ang Wizards, 35-23, upang makalamang ang una sa half time, 52-46 matapos ipasak ni Steve Novak apat na 3-pointers.

Nakakuha ng tulong sa opensa si Lin kay Tyson Chandler matapos itong magtala ng 25 points, 11 boards at dalawang assists habang 19 at 17 puntos ang kinamada nila Novak at Iman Chumpert upang pasanin muna pansamantala ang ibang produksyon nina Amare Stoudemire at Carmelo Anthony na mga nagpapagaling ng kanilang injury.

Dahil sa natamong pagkatalo ng Wizards ay nalubog ito sa 5-21 karta. Samantala, nasilat ang Miami Heat sa Orlando Magic, 89-102, habang nanaig naman ang defending champion Dallas Mavericks sa Denver Nuggets, 101-90. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply