Lin nagpalabas ulit ng tikas

“JEREMY LIN show!”

Ito na ang nagiging bukang bibig ng mga basketball fans sa tuwing maglalaro ang New York Knicks sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Kahapon muling napanood ang tikas ni Lin matapos ipanalo ang Knicks sa isang makapigil hiningang tira laban sa Toronto Raptors.

Tabla ang score sa 87 kung saan ay hawak ni Lin ang bola may pitong segundo na lamang ang nalalabing oras.

Pinatalbog ni Lin ang bola habang naglalakad at saka tinira sa tree-point area sa harap mismo ng nagbabantay sa kanya upang sikwatin ang panalo sa Raptors, 90-87 kaninang umaga.

Tumapos si American-Taiwanese Lin ng 27 puntos at career-high 11 assists upang itarak ng Knicks ang pang-anim na sunod na panalo at mapaganda ang kanilang team standing na 14-15 win-loss slate.

Dahil sa mga ipinakitang magagandang laro ni Lin ay nabigyan ito ng citation na Eastern Conference player of the week.

Nag-ambag din sina Amare Stoudemire ng 21 points at nine rebounds at Tyson Chandler ng 13 pts., nine boards at dalawang blocks.

Mahigit isang minuto na lamang sa oras sa fourth canto at lamang ang Raptors 87-82 subalit naagaw ni Knicks bench player Iman Shumpert ang bola kay Jose Calderon upang isalpak ang importanteng puntos.

Sa sumunod na play ay sumablay ang Raptors kaya naitabla ng Knicks ang score matapos kumpletuhin ni Lin ang three-point play may 1:05 na lang sa oras.

Si Calderon ang namuno sa scoring ng Raptors na may 25 puntos, siyam na assists at pitong rebounds habang sinegundahan siya ni Linas Kleiza na bumira ng 15 pts., aa boards at tatlong assists.

Samantala, nakumpleto rin ng Miami Heat ang three-game road sweep sa tatlong gabi matapos tustahin ang Indiana Pacers, 105-90 habang yumuko naman ang Caramento Kings sa Chicago Bulls, 115-121.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply