Lin naupos sa Heat

NALASAP ni New York Knicks guard Jeremy Lin ang pinakamasamang laro mula ng umugong ang kanyang pangalan sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga, (Pebrero 24).

Umiskor si Asian sensation Lin ng nakapanlulumong walong puntos matapos lasapin ang init ng depensa ng Miami Heat.

Umarangkada si Heat forward Chris Bosh ng 25 puntos at walong rebounds upang tustahin ang Knicks, 102-88 at manatiling nasa unahan ng Eastern Conference sa kartadang 27-7 win-loss slate.

“A learning experience,” ani Lin. “A tough one.”

Nag-ambag si Dwyane Wade ng 22 points at tig limang boards at assists habang tumapos si LeBron James ng 20 pts., siyam na rebounds at walong assists para ilista ang pang-walong sunod na panalo ng Heat.

Sabi pa ni Lin na napakahigpit ng depensa sa kanya kaya pati ang pag dribble ay nahihirapan siya.

“First of all, he deserves all of the credit he’s been given,” patungkol ni Wade kay Lin. “We knew it was going to be a tough task guarding him in this high pick and roll. Our point guards did a great job. He’s a good player, but we put a lot of pressure on him and it was a success.”

Si ace player Carmelo Anthony ang nag top scorer sa Knicks na may binuslong 19 markers at pitong rebounds habang si bench player J.R Smith ang sumegundo na may tinikadang 14 points at tig tatlong boards at assists.

“I’m sure they were all geeked up for him,” sabi ni Knicks coach Mike D’Antoni sa depensa ng Heat kay Lin. “And they took the challenge and they did a great job.

It’s hard to be Peter Pan every day.”

Bumagsak sa 17-18 panalo-talo karta ang Knicks.

Samantala, dinagit ng Atlanta Hawks ang Orlando Magic, 83-78 habang binigo ng San Antonio ang Denver Nuggets,114-99.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply