Lin sa assists kumana

HINDI masyadong kumana sa opensa ang Asian sensation na si Jeremy Lin subalit sa Assists naman siya bumawi para paluhurin ang sacramento Kings, 100-85 sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season kaninang umaga.

Tumikada ng career-high 11 assists si Lin laban sa Toronto Raptors kamakalawa at ngayon ay panibagong record na naman ang kinana nito matapos magtala ng 13 assists upang itarak ang pang-pitong sunod na panalo.

Nakahabol na ang Knicks sa team standings dahil may 15-15 win-loss slate na sila sapat upang pumang-walo sa top eight ng Eastern Conference.

May 10 puntos lang si Lin subalit tatlong starters at bench players ng New York ang umarangkada ng double-digit points.

Sina Landry Fields, Bill Walker at Amare Stoudemire ay may 15,14 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod habang ang bench players na sina Steve Novak, Iman Shumpert at Jared Jeffries ay nagtala ng 14,11 at 10 points.

Inangkin agad ng Knicks ang first quarter25-17 at lumubo pa ito matapos ang first half, 64-36.

Si Tyreke Evans ang nag top scorer sa Kings na may sinalpak na 19 pts., limang assists at apat na rebounds.

Sa ibang NBA resulta, nanaig ang defending champion, Dallas Mavericks laban sa Denver Nuggets, 102-84 habang ginapi naman ng San Antonio Spurs ang Toronto Raptors, 113-106.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply