LIN-SANITY!

NARINIG na marahil ng mga mahihilig sa basketbol, lalo na ang mga sumusunod sa NBA, sa ating mga kasama sa industriya ng transpor-tasyon ang pangalang Jeremy Lin.

Si Lin, na dati’y nababangko lamang ng New York Knicks, ang pinakasikat na manlalaro ng NBA nitong huling dalawang linggo. Oo, mga kasama, mas pinag-uusapan pa siya kaysa kina LeBron James ng Miami Heat, Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers at Kevin Durant ng Oklahoma Thunder.

Naging bukambibig si Lin nang pangunahan niya ang Knicks, na kaawa-awa sa season na ito sa dami ng talo, sa pitong sunod-sunod na panalo. Napilitan lamang si Knicks coach Mike D’Antoni  na ipasok ang di-subok na si Lin nang ma-injure ang mga superstar ng koponan na sina Carmelo Anthony at umabsent nang matagal ang dakdakerong si Amare Stoudemire dahil namatay at inilibing ang isa niyang kapatid.

Nagulat ang lahat dahil sa pitong panalo na nabanggit ay nag-average ng 25 puntos at siyam na assists si Jeremy Lin, gradweyt ng economics sa prestihiyosong Harvard University.

Dahil sa kanyang kagulat-gulat na ginawa ay na-feature siya sa maraming dyaryo at magasin tungkol sa isports.

Kahit nga ang mayabang na boksingerong nagtatapang-tapangan pero umiiwas naman kay Pacman na si Floyd Mayweather ay napansin si Lin. ‘Yun nga lamang, pinintasan niya si Lin na kaya raw napapansin ay hindi dahil mahusay kundi dahil Asyano.

Tingnan natin ang istorya ni Lin, mga kasama, at may makukuha tayong leksyon. Hindi siya sikat. Hindi siya nabibigyan ng pagkakataong maglaro dati. Hindi siya na-draft ng anomang koponan noong una siyang pumasok sa NBA. Nakikitulog lang siya sa sala ng isang kakampi sa umpisa ng kanyang karera.

Pero, umangat siya sa lahat ng mga pagsubok na ito at ngayon nga ay siya ang pinakasikat na player ng pangunahing liga sa mundo.

Kung magkakaroon la-mang tayo ng lakas ng loob ni Lin, na kung bibigyan ng pagkakataon ay hindi ito pakakawalan kundi yaya-kapin ang paghamon at sa pamamagitan ng diskarte ay pagtatagumpayan ito, mag-tatagumpay din tayo, mga kasama.

Lakas ng loob at diskarte.  Hindi ba’t diyan sikat ang mga Pinoy?

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply