Linis kanal, estero ng MMDA simula bukas

SISIMULAN na bukas ang paglulunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ikalawang bugso ng matagumpay nilang kampanya sa paglilinis ng mga estero, kanal at iba pang daluyan ng tubig sa kalakhang Maynila.

Sinabi ni Tolentino na pangangasiwaan niya ng personal ang 500 miyembro ng ahensiya sa paglilinis ng Estero Vitas, Reina at Kabulusan sa area ng Tondo, pati na ang pag-aalis ng mga basura sa paligid ng Pritil Market na tinaguriang ding Estero Blitz II.

Layunin ng naturang proyekto na makolekta ang mga basurang itinatapon sa mga daluyan ng tubig tulad ng isinagawa nila noong nagdaang taon kung saan umabot sa 7,383 cubic meter ng basura ang nakuha nila sa 45 estero na kanilang nilinis na sapat na upang mapuno ang isang Olympic sized swimming pools ng basura.

Inihayag ni Tolentino na kinakailangang maging malinis mula sa mga nagtambak na basura ang mga daluyan ng tubig upang maging maayos ang daloy ng mga kanal.
Makatutulong aniya ang maayos na daloy ng tubig upang hindi magkaroon ng mga pagbaha kapag dumating na ang tag-ulan.

Isa ring paraan ang ginagawa nilang paglilinis upang mamulat ang mga residente sa pag-iwas magtapon ng kanilang basura sa mga estero at kanal dahil sila rin ang magiging biktima sa oras na lumalim ang baha dahil sa baradong mga daluyan ng tubig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply