Linsanity inawat ni Williams

NAG-UMPISA ang Linsanity laban sa New Jersey Nets kaya naman siniguro ng All-Star guard Deron Williams na hindi na mauulit ang pamamahiya sa kanila ni Jeremy Lin.

Tumikada si Williams ng 38 puntos, anim na assist at apat na rebound upang iangat ang Nets kontra New York Knicks, 100-92 kaninang umaga sa naganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Tumapos naman si Lin ng 21 points, siyam na assist at pitong board.

Hindi naman masyadong nakatulong si Knicks star player Carmelo Anthony na nagbalik laro mula ng magkaroon ito ng injury.

Nagtala lamang si Anthony ng 11 puntis, anim na assist at tatlong rebound matapos ang seven games absent nito.

Nag-ambag si Nets guard MarShon Brooks ng 18 puntos, apat na assist at tatlong rebound para ilista ang 10-24 win-loss slate habang nalaglag sa 16-17 panalo-talo karta ang Knicks.

Si Amare Stoudemire ang pumangalawa sa puntusan para sa Knicks na may 17 markers, four rebounds at dalawang assist.

Samantala, sinuwag ng Chicago Bulls ang Atlanta Hawks, 90-79 habang pinataob ng defending champion Dallas Mavericks ang Boston Celtics, 89-73.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply