Lisensiya ng Basa-Guidote ni-revoke

NABATID na ni-revoke ng Securities Exchange Commission ang lisensiya ng Basa-Guidote Enterprises Inc., ang kompanyang pag-aari ng pamilya ni Cristina Corona kung saan nakapag-cash advance ng P11 milyon si Chief Justice Renato Corona.

Ito ay ayon sa pahayag ni SEC director Benito Cataran sa kanyang pagtestigo ngayong araw sa impeachment court.

Nang matanong si Cataran kung ano ang basehan ng SEC sa pagre-revoke at paglulusaw ng kompanya ay isinagot nito, na mula noong 1991 hanggang 1997 ay nabigo ang nasabing kompanya na magsumite ng general information sheet at bigo rin na mag-file ng financial statements mula 2000 hanggang 2010, kaya kanilang itinuturing na lusaw na ang kompanya.

Nabatid pa kay Cataran na ang pinakabagong general information sheet na isinumite sa kanila ng korporasyon ay noon pang 1990.

Sinabi rin ni Cataran, na ang hindi pagpa-file ng general information sheet sa period ng mahigit na anim na taon, mula 1997 hanggang 2002 ang ugat ng revocation ng certificate of registration noong Abril, 2003.

Ngunit bago ito ay unang sinabi ni Cataran na ang korporasyon ay hindi nag-file mula 1991 hanggang 1997.

Ang taon nang revocation ng lisensiya ng Basa-Guidote ay noong 2003, ang taon din na nag-file ng SALN si Corona na may P11 milyon cash advance mula sa korporasyon.

Hindi naman masabi ni Cataran sa pagtatanong ni Sen. Loren Legarda kung ang korporasyon ay nag-o-operate noong nag-cash advance si Corona.

“We can’t say whether it’s still in operation because they are not submitting reports,” wika ng SEC official.

Nang tanungin naman ni Legarda ang prosecutor kung ano ang koneksyon ng korporasyon at ang kabiguan ni Corona na ideklara ang kanyang SALN ay sinagot ito ni Rep. Reynaldo Umali, na may hinala na ang prosekusyon na walang naganap na transaksyon sa pagitan ng Basa-Guidote at ni Corona dahil ang korporasyon ay nalusaw na o na-revoke na.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply