Llamas nasermonan lang sa pagbili ng pekeng DVD

SA HALIP na sibakin ay pinatikim lamang ng matinding sermon ng Malakanyang si Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas makaraang mapaulat na bumili ng P2,000 halaga ng pirated DVD sa Circle C Mall sa Quezon City.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ito ang nakasaad sa dispositive portion ng memorandum ng Office of the Executive Secretary (OES) kay Llamas matapos ang isinagawang imbestigasyon sa opisyal.

Pinaalalahanan din si Sec. Llamas na hindi tama ang kanyang inasal bilang opisyal ng gobyerno at binalaan na huwag nitong ulitin ang pagkakamali dahil aasahan na nito ang mas mabigat na penalty sa susunod.

Tinuran ni Usec, Valte na pinagbatayan sa memorandum ang pag-amin na rin ni Llamas sa kasalanan at paghingi ng paumanhin.

Ang naturang desisyon ay pasado umano kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III.

“While strictly speaking, the act attributed to you, and which you admitted, is not a violation of the law, the impropriety of the action is without question. It is not an act expected from a public officer. However, taking into account your expression of “deep regret” and your tender of an apology, you are hereby formally admonished and given a firm reminder that you should, in the future, observe a higher degree of circumspection and discretion even with regard to your private, non-official conduct. As a public officer, you would be well-advised to act at all times with a high degree of prudence and propriety so as to avoid any possibility, however remote, that your personal conduct may inadvertently result in an erosion of the public’s faith and confidence in the administration,” nakasaad sa memo kay Llamas. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply