LLDA GM Acosta ipinasususpinde ng Sandiganbayan

IPINASUSUSPINDE ng Sandiganbayan ng 90 araw si dating Bukidnon Rep. at ngayon ay Laguna Lake Development Authority (LLDA) General Manager Nerius Acosta Jr.

Ito’y dahil sa hindi umano tamang paggamit ni Acosta ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) na nagkakahalaga ng P2.5 milyon.

Nag-ugat ang kaso noong Marso 3, 2001 matapos umanong paboran ni Acosta ang paggastos ng naturang pondo pabor sa mga incorporator ng isang kumpanya na kabilang ang kanyang amang si Juan Acosta at tiyahing si Maria Nemia Bormidor.

Inilabas kaninang umaga (Pebrero 3) ang kautusan ng Sandiganbayan 4th division na pirmado ni Associate Justice Maria Cristina Cornejo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply