Lola ginahasa ng bangag sa droga

ISANG lola ang pinagtiyagaang gahasain ng isang 24-anyos na lalaki na pinaniniwalaang lulong sa paggamit ng iligal na droga sa Cebu City sa ulat ng pulisya kanina.

Ayon sa ulat,  agad na nadakip ng Cebu City PNP  ang suspek na si Danilo Dominguez, 24-anyos, residente ng Sitio Tabay Lawom, Barangay  Tisa, Cebu City.

Aminado ang susepek na ginahasa nga niya ang biktimang si Amor, 66-anyos na lola.

Lumalabas sa ginawang pagsisiyasat ni P/Insp. Irene Recla, hepe ng Punta Princesa Police Station, Women’s and Children’s Desk  madaling-araw ng lumabas ang matanda mula sa  kanilang bahay  upang mamalengke.

Hinarang umano ito ng suspek at kinaladkad sa damuhan at pinagbantaan ang lola na papatayin kung sisigaw at papalag sa kaniyang gagawin.

Napag-alaman na nagmakaawa pa umano ang biktima sa suspek na huwag ipagpatuloy ang balak nito ngunit sinuntok nito ang bibig ng matanda upang manahimik.

Matapos ang panggagahasa, nagpasalamat pa umano si Dominguez sa biktima na akala ay hindi na magsusumbong sa mga awtoridad subalit agad din itong  dumulog sa tanggapan pulisya  upang ireklamo.

Matapos na maaresto ay agad din namang inamin ni Dominguez ang nagawa sa matanda at humingi pa ito ng paumanhin dahil lasing lang umano siya noong pagkakataon na iyon.

Napag-alaman na lulong din sa droga ang nabanggit na suspek kayat desidido si Amor  na ipagpatuloy ang asunto laban sa akusado. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply