Lola nahulog sa Delpan bridge, patay

BALI ang leeg ng isang 69-anyos na lola nang mahulog ito sa butas ng Delpan Bridge habang papauwi mula sa pagdalo ng Grand Evangelical Mission sa Luneta kagabi (Pebrero 28).

Dead on the spot ang biktimang si Rosario Reyes, miyembro ng Iglesia ni Cristo at residente ng 1709 Tioco St., Tondo,Maynila.

Sa report ni PO2 Crispino Santos Ocampo, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:40 ng gabi nang maganap ang insidente.

Papauwi na ang biktima mula sa pagdalo nito naturang pagtitipon sa Quirino Granstand at naglalakad ito sa nasabing tulay nang hindi mapansin ang butas kung saan siya lumusot at nahulog.

Bumagsak ang matanda sa ibabaw ng Don Winston Barge sa may Pasig River.

Nagulat naman si Francisco Sablan, water vessel maintenance ng nasabing barge sa malakas na kalabog na kanyang narinig kaya agad niyang nilibot ang barge.

Nagulat siya nang makita ang duguang biktima na nakahandusay.

Nabatid na bali ang leeg ng lola na bunsod ng malakas na pagbagsak nito.

Agad ipinagbigay ni Sablan ang pangyayai sa ilang residente sa lugar na siyang nag-report naman sa pulisya at tauhan ng Philippine Coast Guard.

Dinala sa La Rosa Funeral Homes ang bangkay ng biktima para sa autopsy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply