Lola napagkamalang aswang kinuyog sa Iloilo

ISANG matandang babae ang kinuyog ng ilang residente na pinaniniwalaang aswang sa Polo Maestra Vita, Oton, Iloilo.

Nabatid na hinuli ng mga tao ang 64-anyos na matandang babae at dinala sa police station matapos isang barangay tanod ang umano’y inatake nito.I

Iniulat na dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang masalubong umano ni brgy. tanod Roel Alsusa ang matanda habang pauwi siya mula sa lamay.

Sinugod umano siya nito at nagpambuno sila subalit hindi niya nakayanan ang lakas nito kaya’t sumigaw siya ng tulong.

Kaagad naman nagresponde ang mga barangay tanod na nakarinig ng kanyang pagsigaw ngunit maging ang mga ito ay nahirapan din daw sa pagpigil sa matanda.

Narinig pa umano ng mga ito na may tinawag na ‘Inday’ ang matanda at sinabihang lumipad na.

Ngunit nang puntahan ng kanyang mga kaanak ang matanda sa police station, natuklasan na may diperensya ito sa pag-iisip at nilinaw na hindi ito aswang.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply