Lola nasagasaan sa Balintawak, patay

NASAWI ang isang matandang babae makaraang masagasaan sa Edsa-Balintawak kaninang alas 4:00 ng madaling araw, Pebrero 4.

Kinilala lamang ang biktima na hindi pa batid ang pangalan na nasa edad 70 pataas at nakasuot ng checkered na blouse.

Papatawid ang biktima galing sa pamamalengke sa Balintawak Market nang mahagip ng isang trak na mabilis ding tumakas.

Kasalukuyang nakalagak sa Prime Funeral ang bangkay ng biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply