Lolo nalunod sa ilog sa Taguig

MAKARAAN ang 10 oras na paghahanap, naiahon na rin ngayon ang bangkay ng isang 71-anyos lolo na nalunod sa ilog kagabi sa Taguig City.

Ayon kay Ronal Galicia, head ng Taguig Resue Team, na dakong alas-9:00 kagabi (Pebrero 26) nang mahulog ang biktima na kinilalang si Adriano Rayos, residente ng Brgy. Tuktukan, Taguig Vity.

Ayon sa pahayag ng mga kaanak ng biktima, nakainom ito kagabi at hindi nila inaasahang mahuhulog ito sa ilog bunga ng kalasingan.

Ayon naman sa mga residente, nakarinig sila ng tinig na humihingi ng tulong pero hindi nila akalain na tinig ito ng lolo na nalulunod sa naturang ilog. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply