Lovi Poe pinaka-okray na cover girl

MARAMING litrato sa Goggle si Lovi Poe pero iilan lamang dito ang puwedeng mapakinabangan at maaring magamit sa tabloid. Komento ng ilang editors, masyadong payat ang aktres at kulang sa boobs. Para raw itong bakla sa kanyang mga pictorial.

Isa pa’y masyado raw kampante ang dalaga sa pagpapakuha ng larawan ng hindi man lang inaayos ang kanyang make-up. Maging ang mga posing nito ay hitsurang isang reptile dahil nga sa sobrang kapayatan.

Kaya ang tsismis sa umpukan ng mga barbero, walang arrive ang magazine na si Lovi ang cover. Iyon din ang sabi ng ilang movie scribes, kulang sa libog ang porma niya. Dapat magpataba-taba muna siya bago magpakuha ng larawan sa mga fashion magazine.

Gayahin niya sina Jinkee Pacquiao, Charice Pempengco at iba pang naging pabalat ng mga babasahin. Hindi sila basta tumatapat sa kamera ng hindi nakaayos ng todo. Huwag niyang gayahin si KC Concepcion dahil proportioned ang katawan nito. Meron itong magandang hugis ng dibdib, maumbok na likuran, matangos na ilong at seksing katawan. Sa mga nabanggit naming ito, kahit isa rito lampaso siya ni KC.

But infairness to Lovi, maganda naman siya sa personal. Kahit maitim siya, makinis naman ang kanyang balat. At sa kanyang latest cover sa Circuit na may pamagat na, ‘Take Me I’m free’ (Talagang pinangangalandakan niya ang pagiging single, huh!) ay nag-improve (Magaling siguro ang kanilang photogs) ang kanyang hitsura. Kailangan lang talagang diskartehan pa ang kanyang wankata sa mga kodakan para hindi siya magmukhang palatakot sa palayan. Hahaha!

Kidding aside, hindi namin nilalait ang ex ni Cong. Ronald Singson. Sinabi nga naman maganda ito. Gusto lang namin siyang kalabitin at baka nakakalimutan niyang isa siyang artista, pero hindi siya dyosa ng kagandahan, noh!

***

Anak ng pulitiko ginamit lamang ng aktres

PATULOY sa pangangayayat ang anak ng politiko dahil sa depresyon. Feeling yata nito ginamit lamang siya ng aktres. Nung wala itong career laging nakababad sa kanya. Panay ang bigay niya ng datung dito. Ngayon na marami na itong projects, hindi na siya pansin.

Baka bumalik ito sa dating bisyo. Sana hindi. Ang aktres daw kasi ang nagpatino sa buhay nito.

Ang girlitang ito ay may bagong boyfriend na aktor, dito siya nahihibang ngayon. Kung sa una niyang bf ay siya ang reyna at ginagastusan. Dito sa bago niyang karelasyon, ginagastusan na niya ginagawa pa siyang trying hard sa kahahanap sa lalaking ito kung saan niya mahahagilap. Obvious bang pinagtataguan siya? Hehehe!

***

Hayden Kho nilayasan ni Dra. Vicki Belo

“ON MY way to Los Angeles for my first Valentine alone. Maybe I‘ll learn to love myself.”

Tweet ni Dra. Vicki Belo kahapon bago ito tumulak patungong Los Angeles, California sakay ng flight PR 102 ng Philippine Airlines.

Marami ang nag-abang sa pag-alis na ‘to ni Dra. Belo para bantayan kung kasama nitong aalis ang kanyang fiance na si Hayden Kho, pero hanggang sa makaalis ang eroplano ay walang anino ng huli ang dumating sa paliparan dahil ang tanging kasama lamang ng pamosong doktora ay ang kanyang make-up artist.

Well, dapat na ngang kalimutan ni Madam Vicki si Hayden. Hindi ito karapat-dapat sa kanyang pagmamahal. Malinaw naman kung ano lang ang gusto nito sa kanya. Dapat pa bang e-memorize ‘yan?

***

Kapuso Network nagdiriwang ng buwan ng mga puso ngayong Pebrero

NGAYONG Pebrero, lubos ang pag-ibig na dumadaloy mula sa Kapuso Network bunsod ng magarbong pagdiriwang ng buwan ng mga puso.

Hatid ng nangungunang multimedia conglomerate sa bansa ang isang light-hearted campaign na may pamagat na One Love, One Heart, One Nation. Mapapanood sa GMA free-to-air, regional, at international channels and iba’t ibang eksenang katatampukan ng pag-ibig.

Pinangungunahan naman ng mga tween star na sina Lexi Fernandez at Derrick Monasterio ang pag-awit ng Kapuso month jingle na tumutukoy sa GMA bilang sanhi ng pagbubuklod ng Pilipinong Kapuso sa kanyang bansa – maging sa pighati o kaligayahan.

Mapapakinggan ang nasabing awitin sa GMA Channel 7, GMA News TV Channel 11, Barangay LS 97.1 at Super Radyo DZBB 594khz.

Sunud-sunod ang paglulunsad ng mga programang may himig pag-ibig ngayong Pebrero. Una rito ang Biritera nina Glaiza de Castro, Angelika Dela Cruz, Dennis Trillo at ng pinakabagong Kapuso child star na si Roseanne Magan. Dito matutunghayan kung paano dadalhin ng pag-ibig si Roseanne sa kanyang ultimong hilig na pagkanta. Mapapanood ito araw-araw sa primetime matapos ang 24 Oras.

Sa The Good Daughter, gagampanan ng banner star na si Kylie Padilla ang karakter ni Bea na kakalinga sa kanyang ama at iibig sa karakter ni Rocco Nacino bilang Darwin. Matutunghayan ang The Good Daughter  sa GMA Afternoon Prime matapos ang Kokak.

May mahika, pakikipagsapalaran, at syempre, pag-ibig sa bagong early primetime offering na Alice Bungisngis and Her Wonder Walis na pinagbibidahan ni Bea Binene. Ihahatid ni Bea bilang Alice ang galing sa pangungulam upang sugpuin ang kasamaan. Sundan ang marami pa n’yang pakikipagsapalaran, Lunes hanggang Biyenes bago mag-24 Oras.

Nag-aapoy naman sa pag-ibig ang GMA afternoon block sa paglulunsad ng Broken Vow – na pinagbibidahan nina Bianca King, Gabby Eigenmann, Luis Alandy at Rochelle Pangilinan. Hinggil ito sa isang simpleng probinsyanang nakatakdang ikasal sa isang mayamang pulitiko. Sundan ito araw-araw sa GMA Afternoon Prime bago ang hit Koreanovela series na Love You.

Higit sa lahat, inihahatid ng GMA ang My Beloved na kinatatampukan ng pinakasikat na loveteam sa bansa – sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Umiinog ang istorya sa isang mortal na iibig sa isang anghel. Magsisimula ito ngayon (Feb 13) sa GMA Telebabad.

Ang mga pinakahuling love updates tungkol sa GMA Network stars ay maari ring sundan sa http://www.gmanetwork.com at sa official Facebook and Twitter accounts ng GMA.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply