LPA nakapasok na sa bansa

NAKAPASOK na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na matatandaang namataan sa silangang bahagi ng karagatang Pasipiko kaninang umaga, Pebrero 10.

Ayon sa ulat ng Pagasa kaninang umaga, namataan ang nasabing namumuong sama ng panahon base sa satellite and surface data sa 860 kilometro sa silangan ng Southern Mindanao.

Bagama’t mahina lamang ang dalang hangin, maaari pa rin umano itong magdala ng mga pag-ulan sa silangang bahagi ng ating bansa.

Maliit din umano ang posibilidad nitong maging bagong bagyo dahil hindi ito gaanong organisado at kalat ang kaniyang cloud formation.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply