LPA palabas na ng PHL

POSIBLENG lumabas na ng bansa ngayon weekend ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA matapos maghatid ng tuluy-tuloy na pag-ulan at pagbaha sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Patungo na ngayon ang nasabing LPA sa Palawan at maaaring ngayong weekend ay wala na ito sa Pilipinas.

Samantala, ilang bahagi ng lungsod ng Puerto Princesa ang nakakaranas ngayon ng kawalan ng daloy ng kuryente na nagsimula pa bandang alas-2:00 kaninang madaling araw.

Isa na tinitingnang dahilan nito ay ang malakas na buhos ng ulan sa buong magdamag. Wala pang paabiso ang Palawan Electric Cooperative kung anong oras ito maibabalik at kung ano ba ang tunay na dahilan ng pagkawala ng daloy ng kuryente. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply