LQ ang dahilan: anak ng DOTC director tumalon sa tulay

NAKALIGTAS sa kamatayan ang binatang anak ng DOTC-Caraga regional director makaraang maisipang tumalon sa Diosdado Macapagal Bridge nang magtalo sila ng kaniyang kasintahan sa lungsod ng Butuan.

Nakilala ang biktima na si AJ Pangandaman, anak ni DOTC-Caraga Regional Director Alim Pangandaman.

Nabatid mismo sa kasintahan ng binata na si Mary Grace Mercado, 20, tubong Bulacan, nagkaroon umano sila ng pagtatalo hanggang sa humantong sa hiwalayan matapos nag-inuman sa isang resto bar sa syudad.

Pinigilan pa umano ng dalaga ang kanyang nobyo upang huwag ituloy ang kanyang pinaplano ngunit nabigo siya at bigla na lamang itong tumalon.

Kaagad namang nakahingi ng tulong ang si Mercado sa pulisya kung kaya maagap namang nailigtas ang binata.

Nabatid pa na galing pa ng Bulacan ang dalaga at tumungo lamang sa Mindanao upang ipagdiwang nilang magkasama ang Valentine’s day.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply