LRTA administrator Rodriguez nag-resign na

KINUMPRIMA ngayon ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Hernando Cabrera ang pagbibitiw ni Atty. Rafael Rodriguez bilang administrator ng LRTA.

Ayon kay Cabrera, naisumite na ni Rodriguez ang resignation letter kay Transportation and Communications Secretary Manuel “Mar” Roxas.

Ani Cabrera, ang naturang resignation letter ay epektibo sa Marso 31 at ang pagbibitiw ay upang magampanan ni Rodriguez ang mga social advocacy nito sa Cavite.

Sa ngayon, wala pang iniaanunsyo ang Palasyo kung may hahalili na sa mababakanteng pwesto ni Rodriguez sa LRTA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply