LTFRB office sa Iloilo, initsahan ng bomba

INITSAHAN ng isang improvised explosive device (IED) ang regional office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Iloilo province kaninang madaling-araw.

Sa kabutihang palad, hindi sumambulat ang hinagis na IED na gawa sa isang fragmentation grenade na itinali sa isang 50-millimeter mortar.

Tinutugis na ngayon ng pulisya upang panagutin sa insidente ang isang grupo ng hindi pa nakikilalang kalalakihan na nagtanim ng  bomba.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling-araw sa loob ng compound ng LTFRB sa Jaro, Iloilo.

Ayon sa security guard na hindi nakuha ang pangalan, bago ang pagkakadikubre sa bomba ay hindi niya pinansin ang narinig na parang bumagsak na bagay sa loob ng LTFRB compound hanggang sa biglang dumating sa LTFRB office  ang mga tauhan ng Jaro Police Office (JPO).

Ayon sa JPO,  may tumawag sa kanila na hindi nakikilalang lalaki at sinabi sa kanila na may itinanim na isang bomba sa kanilang compound.

Sa masusing paghahanap, natagpuan ang IED sa ay bukana ng LTFRB office  kaya dumating agad ang mga tauhan ng Explosive and Ordnance Division operatives (EOD) at Philippine Army para suriin ang bomba.

Sinabi naman ni LTFRB Western Visayas head Gerard Camiña na ang insidente ay maaring work-related sapagkat naghihigpit ang LTFRB sa pagpapatupad ng batas trapiko. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply