Lumang tulay bumigay, 6 kabataan nasaktan

CANDELARIA, Quezon, – Anim na kabataan ang nasaktan matapos na bumigay ang isang lumang tulay na kanilang tinatawiran nitong Miyerkules ng hapon (Pebrero 1).

Nagtamo ng kapansanan sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktimang sina Clarisse Macasaet Beronia, 13-anyos; Cherre Ann Pamelar Meneses, 15-anyos; Ellaine Hernandez Villapando, 13-anyos; Jazz Hernandez Rosales, 12-anyos; Renz Lapaz Cueto, 15-anyos; at Bless Atienza, 15-anyos.

Sinabi ng pulisya na ang anim na kabataan ay tumatawid sa hanging bridge na kumukonekta sa Barangay Poblacion at Malabanban Norte nang malagot ang lubid dakong alas-5:30 ng hapon.

Dahil dito, nahulog ang mga biktima sa may 15 talampakan ang taas mula sa lupa at nagtamo ng pinsala sa ulo at katawan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply