Mabigat na parusa sa mga absenerong mayor

SANG-AYON ang ilang mataas na lider ng Simbahang Katolika na patawan ng mabigat na parusa ang mga “absenerong” mayor o alkalde.

Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na si Jaro Archbishop Angel Lagdameo, magandang paraan ito upang gampanan ng maayos ng lokal na pamahalaan ang kanilang tungkulin sa taumbayan lalo na sa mga mahihirap.

Natutuwa rin aniya siya dahil mismong ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang nakapuna sa kakulangan ng mga alkalde sa bansa.

Giit ni Lagdameo, na nakalulungkot dahil maraming mayor ang nangangampanya tuwing eleksyon subalit hindi naman alam ng mga ito ang kanilang tungkulin sa mga mamamayan.

Sa kabila naman nito, sinabi ng arsobispo na dapat pa rin munang dumaan sa imbestigasyon at tamang proseso ang mga alkaldeng pala-absent.

Sinegundahan naman ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso ang pahayag ni Lagdameo ngunit dapat muna aniya itong magkaroon ng konsultasyon. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply