Mag-asawa niratrat sa loob ng bahay sa Rizal, patay

NASAWI ang isang padre-de-pamilya at misis nito makaraang ratratin ng bala ang kanilang bahay ng hindi pa nakilalang salarin sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal kagabi, Pebrero 16.

Kinilala ang mga namatay na sina Edwin at Melinda Flores habang wala namang tinamaan sa apat nilang anak na noon ay nanonood ng TV.

Nabatid na nasa labas at gumagawa ng relo si Edwin habang naliligo ang asawa nito sa loob ng banyo nang mangyari ang insidente.

Blangko pa ang mga awtoridad sa motibo ng krimen dahil bagong lipat lang ang pamilya sa lugar at wala pang nakakaalitan sa bagong tirahan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply