Mag-asawa, tsuper dedo sa maskaradong kalalakihan

TUMIMBUWANG sa kalsada ang isang mag-asawa at ang kanilang family driver habang sugatan naman ang isa pa nang pagbabarilin sila ng mga maskardong armadong kalalakihan sa Batangas kahapon (Huwebes, Pebrero 9).

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang mag-asawang sina Felipe Torio, 55-anyos, at si Lydia, 44-anyos, at ang kanilang tsuper na si Arnold Dulay, 35-anyos.

Isinugod naman sa Apacible Memorial Distroct Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan ang sugatang biktima na si Alejandro Torio de Vera, alyas Andrew Torio, 35-anyos, isang helper.

Nagkasa naman agad ng dragnet operation ang pulisya para maharang ang may apat na salain na sakay ng isang kotseng walang plaka.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon sa Sitio Sagbat sa Barangay Lumabagan sa Nasugbu.

Ayon sa pulisya, bago ang pamamaril ay kagagaling lamang ng mga biktima sa pagdinig sa Nasugbu Regional Trial Court Branch 14 sa isang kaso ng droga na ang mag-asawa ay kapwa complainant.

Habang papalabas pa lamang ng naturang korte, biglang sumulpot ang mga salarin na kapwa lulan sa motorsiklo at sa hindi malamang dahilan ay niratrat ang mga biktima.

Hinala ng pulisya na may kaugnayan ang pagpatay sa mag-aswang Torio sa isinampa nilang kasong droga sa isang kilalang indibidwal sa naturang lugar.

Narekober sa crime scene ng 41 basyo mula sa cal-.45 pistols.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply