Mag-asawang Pinoy kulong sa California

KULONG ang isang mag-asawang Pinoy ng 18 buwan sa Federal prison matapos umaming responsable sila sa pagpapasok ng illegal immigrants mula sa Pilipinas upang magtrabaho sa California.

Bukod sa pagkakakulong ay inatasan din sina Maximo Morales, 46, at maybahay nitong si Melinda Morales, 48, na magbayad ng $600,000 sa siyam na Filipino na naging biktima nila.

Ayon sa report ng Asian Journal, sinabi ni United States Attorney André Birotte, Jr. sa kanyang statement na ang mga Filipino na biktima na nahikayat ng mga akusado na magtungo sa Estados Unidos ay pinangangakuang makapagtrabaho.

“We are committed to protecting the basic civil rights of all people, no matter their status in the United States,” ayon sa pahayag ni  Birotte sa Asian Journal.

Ayon pa sa report, ang mga akusado ay nagpapatakbo ng  apat na elder-care facilities sa Paso Robles sa California at sila ay naaresto noong 2010 at nag-plead guilty noong 2011 at nasampahan ng conspiracy to harbor illegal immigrants.

Ayon sa  US Attorney’s Office, inamin ng mga akusado na nagrerecruit sila ng  mga Filipino patungong Amerika  at pinangakuang magtrabaho bilang live-in caregivers. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply