Magandang laban ibibigay ni Bradley

MAGANDANG laban ang ibibigay ni Timothy “Desert Storm” Bradley, Jr. sa kanilang paghaharap ni Manny Pacquiao sa June 10.

Ang dalawa ay nagharap kanina sa coast-to-coast media tour kasama sina trainers Freddie Roach at Joel Diaz, at Hall of Fame promoter Bob Arum.

Magaganap ang laban ng dalawa sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Sabi ni Bradley, gagawin niya ang lahat para manalo at itataya niya ang kanyang pagiging undefeated.

“We’re going to train hard, at least 10 weeks of training for this fight, and I hope the same thing with Timothy who will train hard for this fight so we can give a good fight and we could entertain people especially to all the people who are going to watch the fight on June 9th and thank you to all the boxing fans,” ani Bradley.

Ayon naman kay Pacquiao, dapat abangan ng mga tao ang laban dahil bakbakan ito ng dalawang kampeon.

Aniya, matagal na rin niyang inaasam ang oportunidad na makaharap sa ibabaw ng ring si Bradley na hinahangaan o iniidolo ng mga kabataan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply