Magsasaka, sekyu sa Hacienda Luisita nagkatensyon

NAGKAROON ng tensyon sa pagitan ng mga magsasaka at mga guwardiya ng Hacienda Luisita na nauwi sa barilan.

Nabatid na nagtungo ang mga magsasaka sa lupain ng Hacienda Luisita sa Barangay Balete, Tarlac City upang igiit ang kanilang karapatan sa lupain.

Binaklas nila ang guard house at mga bakod kung kaya kinompronta sila ng mga guwardiya na humantong sa pagpapaputok ng baril.

Humupa lamang ang tensiyon nang dumating ang mga pulis.

Iginiit naman ng Hacienda Luisita Incorporated (HLI) na naibenta na sa Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) ang lupain sa Barangay Balete at kinilala na rin ng Korte Suprema na legal ang bentahan at conversion ng lupa.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply