Magtiyuhin patay sa pamamaril sa Kyusi

PATAY ang isang magtiyuhin makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin sa tapat ng kanilang junkshop sa Quezon City kagabi, iniulat ngayon ng pulisya.

Kinilala ang biktima na sina Marcelino Insao, 72, electrician, tubong Cebu ng 041 Filinvest Road 1, Batasan Hills at Erwin Alapad, 37, ng Digos St., Luzviminda Village, Batasan Hills, Quezon City.

Ayon kay SPO1 Melchoide Bernalte, desk officer ng Quezon City Police District station 6 Batasan, naganap ang insidente 10:30 ng gabi kagabi sa tapat ng junkshop ng mga biktima sa 041 Filinvest Road 1, Batasan Hills.

Sinabi sa ulat na nagpapahinga sa tapat ng kanilang junkshop ang mga biktima nang
dumating ang dalawang suspek sakay ng isang motorsiklo at agad na pinagbabaril ang dalawa.

Nabatid sa ulat na pawang nakasumbrero ang mga suspek na tinatayang nasa 25 hanggang 35-anyos, naka t-shirt at maong pants at katamtaman ang pangangatawan.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo at iniwan ang mga duguang biktima.

Hinihinala ng awtoridad na maaaring biktima ng mistaken identity ang mga biktima dahil wala namang napapabalitang kaaway ang mga ito sa lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply