Magtuturo sa pumatay sa Cagayan forester bibigyan ng pabuya

NAGLAAN na kaninang umaga (Pebrero 18) ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng P250,000 bilang pabuya sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon para matiklo ang pumatay sa isang female forester sa Cagayan.

Sinabi ni Benjamin Tumaliuan, DENR regional executive director, na nagdesisyon sila na maglaan ng pabuya para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang kasamahan na si Melania Dirain na pinatay noong Pebrero 7.

Si Dirain, 42-anyos, isang forest management specialist, ay binaril ng isang lalaki sa loob mismo ng Community Environment and Natural Resources Office sa Sanchez Mira town.

Nagtamo si Dirain ng ilang tama ng bala mula sa  .45-caliber pistol.

Hinala ng awtoridad an ang pagpatay kay Dirain ay maaring isang job-related at ang nasa likod nito ay may koneskyon sa illegal logging activities sa Cagayan.

“We came up with the reward to somehow help authorities in their investigation gather sufficient information and give justice to our martyred colleague,” pahayag ni Tumaliuan.

Maliban sa pag-aalok ng cash reward, magbibigay din ang mga kasamahan ni Dirain ng scholarships para sa kanyag naiwan na mga anak.

Wala pang ideya ang law enforcement agencies na pinangungunahan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kung sino ang pumatay kay Dirain na nakunan sa closed-circuit television (CCTV) camera. Gayunman, ang mukha nito ay hindi masyadong maaninag dahil ang ulo nito ay bahagyang natatakpan ng hood ng jacket na suot nito.  Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply